Sunday, June 21, 2009

na windang sa unang linggo ng buhay medisina...

ang schedule ng klase ng isang estudyante ng medisina:

MONDAY:
8:00 am - 12:00 nn -- Evaluation Exams (lunes pa lang, stress na! =p)
1:00 pm - 5:00 pm -- Primary Health Care (parang nursing lang eh. =p)

TUESDAY:
8:00 am - 10:00 am -- Anatomy Lecture (ok lang naman siya. hehe)
10:30 am - 12:30 nn -- Anatomy Laboratory (humanda ang mga bangkay!!)
1:30 pm - 3:30 pm -- Histology Laboratory (humanda ang mga cells! haha!)
3:30 pm - 5:30 pm -- Histology Lecture (Visitacion and Vergara fever! =p)

WEDNESDAY:
8:00 am - 12:00 nn -- Physiology Lecture (oo, buong umaga yan!)
1:00 pm - 5:00 pm -- Physiology Laboratory (oo, buong araw ang physio! haha!)

THURSDAY:
8:00 am - 12:00 nn -- Biochemistry Lecture (certified stress!)
1:00 pm - 6:00 pm -- Biochemistry Laboratory (kemikal, kemikal!!)

FRIDAY:
8:00 am - 10:00 am -- Anatomy Lecture (hindi na lang ginawang buong araw nung tuesday para hindi bitin.. =p)
10:30 am - 12:30 nn -- Anatomy Laboratory
1:30 pm - 3:30 pm -- Neuroscience Lecture (si Professor Snape ang doki namen! haha!)
3:30 pm - 4:30 pm - Neuroscience Laboratory

SATURDAY:
Make-up classes kung meh na miss sa isang linggo. =p

Saan naman kayo nakakita ng isang buong araw na klase para lang sa isang subject? Sa Medical School lang yan! haha!

Sa totoo lang, hindi ko talaga akalaing ganito pala kahirap maging estudyante ng Medisina. Alam kong hindi lamang siya para sa matatalino, pero alam ko ding hindi siya para sa mga tamad. At dahil tamad ako, kailangan ko na talagang magbago.

Medisina lang ang nagpahinto sa akin sa pagne-net araw-araw.
Medisina lang ang nagturo sa aking magpa photocopy ng mga lecture para sa susunod na linggo.
Medisina lang ang naghikayat sa akin na magbasa lagi ng libro.
Medisina lang ang nagkumbinse sa akin na huwag matulog sa klase dahil madaming mami-miss sa lecture.
At higit sa lahat, medisina lang ang may bonggang lecture na tatlo hanggang apat na chapters ng libro sa isang araw. WHOA!!

Kaya kung ako sa inyo, kung gusto niyong maging doktor, pagisipan niyo ng ilang taon, hindi yung ilang segundo, tulad ng ginawa ko. haha! =p

1 comments:

rich said...

aww... kaya mo yan lola... kidding! ^^

pero good naman yan na nagrread ka na ng books, nagpphotocopy na ng lecture... para din naman yan sa future mo... at baka future ko na din dahil malay mo ikaw maging doctor ko... nyahahaha! XD