Tuesday, June 24, 2008

ABNKKBSNPLAKo?! - Mga Kwentong Chalk ni Bob Ong


Ito ang unang pagkakataon na sumubok akong basahin ang isang aklat na iniakda sa wikang Tagalog. Ni hindi ko nga lubos-maisip na makakapagbasa pala ako ng Tagalog na aklat.

At tanging si Bob Ong lamang ang nakapag kumbinse sa akin. Sino si Bob Ong? Malay ko. Ang alam ko lang, Roberto Ong ang tunay niyang pangalan at siya ang may akda ng ABNKKBSNPLAKo?!

Anong nilalaman ng aklat? Tulad nga ng nakalagay sa itaas, ito ay ang mga kwentong chalk ni Bob Ong. Ibig sabihin, mga kwento niya simula nang magumpisa siyang mag-aral.

Kung iisipin ninyo, masyadong sefl-centered and dating ng aklat. Sino bang gustong magbasa ng aklat na ang nilalaman ay tungkol lamang sa may akda? Diba mukhang boring kung tutuusin?

Pero hindi ganun ang ABNKKBSNPLAKo?! ni Bob Ong. Oo nga't puro tungkol sa pag aaral niya ang mababasa mo dito pero hindi lamang iyon. Sa pagdala niya sa'yo sa kanyang nakaraan, mapipilitan ka ding alalahanin ang iyong sariling nakaraan.

Maraming parte sa aklat na masasabi nating akaka-relate ka. Lalo na siguro kung ikaw ay katulad ni Bob Ong na isang pasaway at palpak na estudyante. Pero hindi lamang para sa mga palpak at pasaway ang aklat. Para din ito sa mga naging honor, TOP 10, valedictorian, salutatorian at balik-toryan nung sila'y nag-aaral pa.

Dito mo mababasa at maaalala ang struggles na napagdaanan mo nung bata ka pa hanggang sa mag college ka Dito mo ma re-realize ang pagkakaiba ng mga paniniwala mo simula pagkabata hanggang sa kasalukuyan.

Kung noon, akala mo'y paglalaro lamang ang pagpasok sa eskwela, ngayo'y alam mo nang meron itong dahilan at habang tumatanda ka, maiisip mo din na hindi lamang pera ang dahilan ng lahat. Hindi mo pinilit na mag aral para magkapera kinabukasan.

Dito, ma re-realize mo na ang pag aaral ay higit pa sa lahat ng sakripisyong ginawa mo sa buhay mo. At ang dulot nito sa huli ay higit pa din sa lahat ng biyayang natatanggap mo nung ika'y bata pa lamang.

2 comments:

Anonymous said...

I miss reading Bob Ong's book. Nice layout. Pink!

Neym Ü said...

you miss it..hehe..
too bad for me, i just got wind of his books lately. tsk tsk...
but i guess i'm still not too late, am i?
thanks btw. =]