Tuesday, July 08, 2008
Sabi pa ng ate ko, "Bakit ka bumili niyan? Story-story lang naman yan." Sabi ko naman, "Hindi naman 'to bastang fictional story lang. Hindi rin ito fable na kapupulutan ng aral ng mga bata. Ang alamat ng gubat ay isang librong naglalarawan sa katayuan ng Pilipinas. Yun nga lang, sa pamamagitan ng isang "pabula".
Ang kwento ng Alamat ng Gubat ay umikot sa isang talangka na si Tong. Sa kanyang paglalakbay sa gubat sa paghahanap ng "puso ng saging" para sa kanyang amang hari, nakasalubong niya ang iba't-ibang hayop na kumakatawan sa iba't ibang ahensiya ng gobyerno sa bansa.
Hindi ko iisa-isahin dahil mahuhulog na isa na akong spoiler. Sa pagkakaintindi ko, ipinaliwanag ni BO ang iba't-ibang pag-uugali ng sambayanang Pilipino; maliit, malaki, mayaman, mahirap man sila.
Malamang talangka ang ginawang bida sa istorya dahil na rin sa pagkakakilanlan sa mga Pilipino na mayroong "crab mentality" o yung hindi pagkakuntento sa pag asenso ng ibang tao kaya't pipilitin nilang hilahin ang mga taong yun pababa.
Oo. Hindi na ako mag-aatubili pang aminin. Grabe ang crab mentality ng mga Pilipino. Minsan, ang ugaling ito ay hindi natin napapansing ginagawa na pala natin.
Sa mga ahensya ng gobyerno, hindi ba't crab mentality ding maituturing ang tax evasion, pangongotong, paniningil ng malaking buwis na wala manang pinatutunguhan?
Bakit ko nasabing crab mentality din ito? Dahil sa bawat oras na nangongotong ang mga opisyal ng gobyerno, pinapalaganap nila ang corruption na nagpapababa sa sistemang politikal ng ating bansa.
Sa bawat hindi pagbayad ng buwis, hinihila natin pababa ang ekonomiya ng Pilipinas. Pinaparami natin ang mga naghihirap at nangangailangan ng financial support.
At kapag wala namang napatunguhan ang bawat buwis na binabayad natin, hindi ba't tayo-tayo lang din ang magiging apektado? Ang mga pampublikong paaralan at ospital ay napipilitang maningil sa mga estudyante at pasyente dahil kulang ang budget na binibigay ng gobyerno.
Masakit mang isipin pero totoo. Pakapalan na lang ng mukha kung pakapalan, pero alam na alam ng mga pinuno natin sa gobyerno kung gaano kababa ang tingin ng ibang bansa sa Pilipinas. Kilala ang Pilipinas bilang corrupt nation. Dapat bang ipagmalaki yun?
Pero walang ginagawa ang gobyerno. Bakit? Dahil sila naman ang nakikinabang sa mga nakukurakot ng mga opisyal. Masaya sila dahil yumayaman sila habang maraming Pilipino ang naghihirap. Crab mentality.
Hindi man natin ma-isip pero may mga pagkakataong ang lahat ng ating ginagawa at hinihiling ay para lamang sa ating mga sarili. Sa tingin niyo, panahon na kaya dapat na gumawa naman tayo ng paraan para sa ating kapwa?
Panahon na kaya upang ibalewala natin ang ating pansariling intensyon at magserbisyo para sa ikauunlad ng bansa?
Ang Alamat ng Gubat ay isang kwentong hindi magpapa-antig sa ating mga damdamin kundi magapapamulat sa ating mga mata kugn gaano kasahol at kahirap ang mamuhay bilang isang Pilipino
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
woah, you're very opinionated.
i actually disagree with your sister too.
i think the book was a good buy.
take care always! :]
ASHEN: thank you so much. hehe..
yeah, i actually love these kinds of books. it's much better than romance novels and such! lol!
you take care, too!! =]
Post a Comment