Tuesday, July 08, 2008
kahapon, nag text saken ang friend kong itatago naten sa pangalang "DIXIE" bwahaha!! =p
sabe niya, lumayas daw siya sa bahay nila. oo, uso pa rin ang layasan sa amen.
nakahanap siya ng isang apartment kasama ang pinsang niyang layas din. oo, uso ang layasan sa pamilya nila. =p
anyways, so nag ask siya ng favor. samahan ko raw siya sa palengke dahil kailangan niyan gbumili ng basic food necessities. so sinamahan ko siya.
nakalimutan ko namang palengke pala ang pupuntahan namin. naka tsinelas ako. oh diba, ang saya? pagdating ko sa apartment niya, parang dinikitan ng linta ang mga paa ko. Yak! Gaano kaya kadaming mikrobyo ang nai travel ko mula sa palengke hanggang sa kanila?
Anyways, back to the story..Ayun, bumili kame ng pagkain. Gulay, karne, prutas at...believe it or not...WALIS TINGTING. ewan ko sa kanya. di na yata uso ang broomstick sa witches! hahaha!!
at nalaman kong magagamit nga pala talaga yung walis-tingting dahil sa stone-washed terrace nila sa apartment na madalas iputan ng mga kalapati.
so habang nasa palengke kame, hindi ko maiwasang magmura at magreklamo. si dixie, first time mamalengke mag isa, pero sanay na siya. ako...first time kong mamalengke na hindi pamilya ang kasama ko at hindi ako sanay.
aside from the "mud-pack" on my slippers, natatalsikan pa ako ng malalansang tubig na sinasaboy sa mga isda para magmukhang presko. buti na lang, nasa mood ako nun, hindi ako napasabak sa gyera.
sabe ko keh dix, lalabas na lang ako. ayaw naman niya dahil kakailanganin daw niya ang opinion ko sa pagpili ng isda. loka siya, ni hindi ko nga alam ang pagkakaiba ng galunggong sa tambakol, maliban sa pangalan.
pero dahil siya naman ang bida, pumayag ako. hinimas-himas niya ang isda. naalala ko tuloy si jamae at ang lapu-lapu. =p
after 48 years, nakapamili na din siya ng isda at dali-dali kaming lumabas. well, wala naman akong naitulong. kada tanong ni dix, "ok ba 'to?" sasabihin ko oo, kahit na hindi ko alam kung ok nga ba talagao hindi. pag na red-tide poisoning sila ng pinsan niya, di ko na yun kasalanan.
nang makahimlay nako sa kama ni dixie sa apartment niya, umandar nanaman ang bunganga ng loka. kesyo ang arte-arte ko daw. paano ko daw mabubuhay ang sarili ko at ang pamilya ko kung ganun at ganun ang lagi kong "attitude" pag nasa palengke.
madali lang naman ang sagot dun eh. "sa grocery ako mamimili." pero hindi ko nasagot yun. dahil inisip ko, tama siya. kung ganito ako palagi, walang mangyayare sa buhay ko. patuloy akong aasa sa iba. hindi ako matututong mamili para sa sarili ko.
kaya bago umuwi kagabe, sinabi ko kay dixie na kapag mamamalengke uli siya, sasama ako. hehe... =p
P.S. hindi totoo yung "paglalayas". term ko lang yun dahil lumipat ng apartment sina dixie at pinsan niya. pero hindi na uso sa amin ang "layas issue" dahil kapag lumayas kame, ang mga magulang pa namin mismo ang maghahanap ng matitirhan namin! hahaha!!
so yun. end of story. masakit na ang kamay ko. =p

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment