Sunday, July 27, 2008

SONA - State of the Nation ARROGANCE?

Sate of the Nation Address. Ginagawa ito ni President Gloria Macapagal-Arroyo tuwing dalawang taon. It summarizes the things that the government has done for the country in the past couple of years.

At sa Monday, magkakaroon ng bagong SONA ang pangulo. This is to highlight daw what she has done during her stay. But I was wondering. "Ano bang nagawa ni PGMA so far?"

Medyo nakakalap ako ng mga bagay-bagay na pwedeng maisali ni GMA sa SONA niya bukas.

1. Ang pananahimik niya sa kaso ng NBN-ZTE Scandal. Hinayaan niyang mag suffer ang mga nasa ilalim niya habang nagpapakasasa siya sa kayamanang una nang nanakaw ng pamilya niya.

2. Ang pagbaba ng dolyar kontra piso. Ui, positive yun, diba? Ewan ko. Wala namang naging epekto ang pagbaba ng dolyar eh. Umabot hanggang 38 pesos ang palitan ng dollar nung nakaraang taon. Pero ang kilo ng baboy sa palengke, nasa tatlong digits pa rin.

3. Ang muling pagtaas ng dolyar. Gradual man ang pagbalik ng piso sa kinsasadlakan niya, wala din namang pagbabago. Kasi nga, walang epekto ang pagtaas ng piso, tama ba?

4. Ang pinaka kontrobersyal na krisis sa bigas. Umabot ng tumataginting na 58 pesos ang bawat kilo ng commercial rice sa loob ng dalawang buwan mula lamang sa 35 pesos. Sabi nila, may scarcity na raw tayo sa bigas. Pero paglilinaw ng mga ekonomista, wala naman daw.

At oo, ang kasagutan sa mga tanong ay lumantad din makaraan ang ilang linggo. Ang fertilizer scam na kinasangkutan ng mismong Undersecretary of Agriculture na si Jocelyn "Joc-Joc" Bolantes.

5. Ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo at ang pagtutol ni GMA sa pagtanggal ng 12% e-VAT sa mga langis. Dahil ang binabayad daw ng taumbayan ay napupunta din sa kanila. Ewan ko lang. Bakit nung huling nabalitaan ko, wala nang libreng pagpapagamot ngayon, kahit sa pang pumblikong ospital. Kahit public schools, minsan may tuition fee na din. Saan napupunta yung pera galing sa e-VAT na dapat sana ay pinantutustos sa mga pampublikong struktura para mapakinabangan ng taumbayan?

Ang posibleng paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ay hindi dahil sa gobyerno kundi dahil sa mga investors na malakas pa rin ang loob na magbahagi ng parte ng kanilang yaman dito sa ating bansa. Nagpapasalamat ako sa kanila.

6. Ang patuloy na paghihirap ng mga tao tuwing may sakuna sa kabila ng pangakong bahagya silang pagiginhawain sa pamamagitan ng kaunting tulong na iaabot ng gobyerno. Napansin ko, halos lahat ng relief centers at relief goods na binabahagi sa mga pamilyang naging biktima ng nakaraang bagyong Frank ay mula sa mga pribadong sektor at hindi sa gobyerno.

7. Ang pagbubukas ng NAIA Terminal 3. Positive uli, diba? Grabe, hindi naman lahat ng bagay ay negatibo sa pangulo. Pero ano itong nabalitaan ko, na hindi daw nila itinaon sa nalalapit na SONA ng pangulo ang pagbubukas ng bagong domestic airport ng NAIA? Soos..maniwala ako. Para din naman yung pagkakataon na nag hotpink ako sa W.I.T.C.H forum dahil Sandongi na kami ni Joie. Mga walang alam tungkol sa huling sentence, wag nang umepal.

8. Ang pagpapasa niya ng Veteran's Bill sa USA. Oo nga naman. Maganda ang naisip niya. At na aprubahan ito ng majority ng Senate nung huling punta niya sa Amerika. Pero ang pangit ng timing ng pagpunta niya doon. Dahil nung mga panahon ding 'yon merong malaking trahedya na nangyari dito sa ating bansa gawa ng bagyong Frank. Pero sabi nila, dati pa naka schedule ang trip ng pangulo sa bulwagan ni Bush. Kaya excused siya.

Walo. Balak ko sanang gawing Sampu, pero mahirap na kasi majority sa mga naitala ko, puro negatibo. Marahil bukas, kuyugin na ako ng mga taga suporta ni GMA at sunugin ang blog ko, kasali na rin ang kani-kanilang mga computer sa bahay.

Nakita ko ang disenyo ni JC Buendia sa gown na susuotin ni PGMA sa gaganaping SONA bukas. Sabi ng kanyang tagapagsalita, ang gown na yun daw ay maglalarawan ng malaki at matayog na pangarap ng pangulo para sa mamamayang Pilipino.

Pero naisip ko. Ganun nga ba? O ang gown na yun ang maglalarawan ng laki ng halagang nanakaw na ng gobyerno sa mga taumbayan? Kulang pa.

Pero papanoorin ko pa rin ang SONA bukas. Hindi dahil susuporta ako sa kanya kundi para maghanap nanaman ng mapupuna.

PAALALA: Ang mga nakasulat sa itaas ay pawang opinyon ko lamang. Kung hindi kayo sang-ayon sa akin at balak niyo akong murahin, sige go! Hindi ko kayo papatulan. Makikipag away lang ako.

0 comments: