Sunday, July 27, 2008

MACARTHUR - Bob Ong



Merong matigas, merong malambot, merong tuwid, merong kulot, merong buo, merong durog, at merong mga taong hindi basta-basta lumulubog.

Batung-bato ka na ba? Rock-rockan na!


Ang ikalawang fiction na ginawa ni BO. Nabanggit niya sa Stainless Longganisa na marami daw ang medyo pumuna sa pagsulat niya ng Alamat ng Gubat. Dahil bakit daw fiction ang nasabing libro.

Nung nabasa ko ang Alamat ng Gubat, medyo nagulat nga ako. Dahil fiction na nga siya, may drawing pa! Pero na realize ko, na hindi lamang basta-bastang fiction ang ginagawa ni BO. Hindi tulad ng mga madalas nating binibili na puro tungkol sa pag-ibig at trahedya.

Ang fictional books na naisulat ni BO ay meron pa ring kinalaman sa kanyang mga kwentong barbero na madalas ay tungkol sa bansa natin at sa gobyernong nagpapatakbo nito. Dinaan man niya sa humor at cute na characters, nasasalamin pa rin ang paraan ng pamumuhay ng mga Pilipino sa ating bansa.

Ang MACARTHUR, kung maihahalintulad ko sa isang pelikula, ay isa siyang INDI FILM na nilalangaw sa mga sinehan dito sa Pilipinas pero humahakot ng sandamakmak na parangal sa ibang bansa.

Hindi ko alam kung ang lahat ng taga-suporta ni BO ay bumasa ng MACARTHUR. Hindi ko rin alam kung ilan sa mga nakapagbasa nito ang nagustuhan ang kwento o hindi. Para sa akin? Inaamin kong naiyak ako sa mga huling parte ng libro. Dahil naisip ko, yung mga adik sa bansa natin na walang ginawa kundi humithit ng usok mula sa sinunog na bato, ay mga tao rin pala na kailangan lamang ng sapat na kalinga at atensiyon.

Ang kwento ng MACARTHUR ay hindi katulad ng mga kinagisnan nating kwento na masasabi mong FICTIONAL talaga dahil medyo imposibleng mangyari sa totoong buhay. Sa librong ito, ang mga pangyayari at characters ay gawa-gawa lamang ng author pero ang buong kwento ay sumasalamin sa totoong nangyayari sa bansa natin.

Ang pagdagsa ng mga kriminal para lamang matustusan ang pangangailangan nila sa bawal na gamot at upang maiahon ang pamilya sa parehong pagkakataon.

Ang pagkawala ng hustisya para sa mahihirap na pamilya kahit nasa harapan na mismo ng mga pulis ang salarin sa pagpaslang, pagnanakaw at kung anu-ano pang krimen.

Ang pag-abuso ng iilang nasa matataas na pwesto katulad ng mga pulis. Hindi man sa lahat ng pagkakataon, pero alam nating maraming mga pulis sa bansa ang mismong nagsasagawa ng Obstruction of Justice para lamang mapadali ang kanilang trabaho. Dahil mag vi-videoke pa sila.

Kung may pakialam ka sa buhay ng kapwa mo sa kabilang dako ng Pilipinas, inirerekomenda kong basahin mo ang MACARTHUR. Hindi ka lamang matututo, mamumulat pa ang mga mata mo sa mga bagay na inakala mong hinding-hindi mo makikita.

1 comments:

Iris Monterona said...
This comment has been removed by the author.