Sunday, July 27, 2008
Pagkatapos ng ABNKKBSNPLAKo?!, Bakit Baliktad Magbasa ng Lbro ang mga Pilipino?, Ang Paboritong Libro ni Hudas at Alamat ng Gubat, ipinagpatuloy ni Bob Ong sa librong ito ang kanyang ikalimang pagkakamali--ang magkwento tungkol sa sarili niyang mga libro, bagay na di ginagawa ng matitinong manunulat. Ito ang Stainless Longganisa, mga kwento ng nagtataeng ballpen sa kahalagahan ng pagbasa, pag-abot ng mga pangarap, at tamang paraan ng pagsusulat.
Hindi daw talaga tungkol sa ballpen ang Stainless Longganisa pero sa pagkakaintindi ko, Ballpen ang nilalarawan ng title ng ikalimang libro ni Bob Ong. Dahil tungkol man sa mga nasulat niyang libro ang buong nilalaman ng Stainless Longganisa, ang pinaka importanteng bagay na ibinahagi niya sa atin ay yung kahalagahan ng isang pirasong ballpen at papel para sa pagbigay ng inspirasyon sa mga mambabasa.
Gusto kong maging writer. Mahilig akong sumulat ng mga tula, short stories at kahit nobela na hindi ko naman binalak i publish dahil sa tingin ko, hindi pa worth it.
Humanga ako sa lakas ng loob ni BO na gumawa ng libro dahil lang sa encouragement ng followers niya sa Bobong Pinoy Website. Sa totoo lang, natanong ko rin sa sarili ko, "Paano kaya kung hindi sumulat ng libro si BO?" siyempre, hindi ko siya makikilala at hindi ako makakapagbasa ng mga librong Tagalog na sadya nga namang may pagkukunan ng leksyon.
Dahil sa Stainless Longganisa, natutunan kong hindi lamang talino at kasikatan ang component ng pagiging isang writer. Kahit sa maliliit na bagay, pwede kang maging isang writer. Kahit hindi ka man kilala ng karamihan, hindi man nai-publish at naibenta sa bookstores ang mga pinaghirapan mong isulat, ang importante ay nakapagsulat ka. Sumubok ka ng isang hobby na hindi kayang gawin ng lahat ng tao.

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment