Tuesday, May 11, 2010

BV yung mga taong nagsasabing BOBO, TANGA at WALANG COMMON SENSE ang mga bumoto kay Noynoy. :|

So, ibig sabihin 13 Million of Filipinos are stupid? Ganun ba yun? Walang common sense? Tanga? I mean come on! Grow up, people! Lahat ng nag TOP sa Presidential line-up, may qualities para mamuno. Prerogative na lang yun ng mga tao kung sino ang pinaniniwalaan nila.

Kahit yung mga bumoto kay Erap, I don’t think they are stupid. Maybe they are just those people who never failed to show their support sa mga idol nila. Maybe they just never learn. Maybe they still see hope.

Yung mga bumoto naman kay Gibo. Hindi ibig sabihin na bumoto kayo ng Matalino eh matalino na rin kayo. Oh come on! Where did you even get that idea? Lahat ng tao matalino man o hindi eh may kanya-kanyang choice kung sino ang gusto nilang ihalal sa pinakamataas na posisyon sa ating bansa.

Gibo was never bitter on his defeat kaya utang na loob mga supporters niya, imbes na mag Black Propaganda kayo, at sabihing BOBO, TANGA at WALANG COMMON SENSE ang mga bumoto kay Noynoy, why don’t you just accept the fact that he is leading and why don’t you just pray that he won’t fail his people, those 13 million who believed in him?

Hindi naman mahirap yun diba? I bet it’s a million times better than being bitter. Sa tingin niyo magaling na kayo for making those comments? Oh, please!

At hindi ibig sabihin na TEENS kayo eh nasa inyo na ang pag asang pumili ng karapat-dapat sa posisiyon. Sa tingin niyo, mas advanced and pananaw niyo sa buhay kesa sa mga mas matatanda sa inyo? Tandaan niyo, wala sa kandidato ang pag asa ng pagsulong ng bayan, kundi nasa taumbayan.

Kesyo si Aquino, Teodoro, Estrada, Gordon or kung sino pa ang nanalo, kapag hindi niyo natutunang tanggapin ang katotohanan at umasang may mangyayaring pagbabago, walang mangyayari sa buhay niyo. Lalagpak at lalagpak ang Pilipinas.

Yan ang hirap sa inyo eh. Imbes na matuwa, you do things to pull the people you hate down. Now tell me, MATURITY at INTELLIGENCE ba ang ginagawa niyo?

0 comments: