Thursday, June 11, 2009

flu...flu...flu

Ayon sa Philippine Nurses' Association, Flu Awareness Month ngayon. And I'm exactly aware of the flu virus dahil nagkaroon ako ng trangkaso nung lunes! haha!

Buti na lang talaga kanselado ang unang araw ng klase nung Lunes dahil pag nagkataon, absent ako sa kauna-unahang araw ng klase ko. Ano na lang sasabihin nina doki? lol!

Anyways, ayun, super sakit ng katawan ko, tapos may sipon at ubo pako na meh sangkatutak na plema. At alam kong hindi ako tinamaan ng A(H1N1) flu virus dahil in the first place, hindi naman ako pumunta ng ibang bansa at hindi din ako nakipag halubilo sa kung sino mang galing abroad. Wala din akong sore throat. hehe.. =p

So ayun, buong araw ako nasa bahay at feeling may sakit. lol! May sakit naman talaga ako nun. Umabot ng 40 degrees centigrade ang temperature ko at sangkatutak na Biogesic na ininom ko, di pa din nawala.

Di tuloy ako nakapunta nun sa birthday ng kaibigan ko. Wala din akong gana kumain nun kasi masama ang panlasa ko dahil sa sipon.

Kaya ito ang mapapayo ko sa inyo. Hindi mo talaga maiiwasan ang flu lalo na dahil sa panahon ngayon na umaaraw tapos lumalamig, umuulan. Pero kapag nagsimula na kayong magkaroon ng sintomas, simulan niyo nang magpahinga, uminom ng maraming tubig at Vitamin C. Sa katunayan, hindi pa kayo nagkakasakit, mag Vitamin C na kayo, dalawang beses sa isang araw, para talagang bonggang-bongga ang immune system niyo.

At nang di kayo matulad sa akin! lol!

Ayos na ako ngayon. Makati lang ang lalamunan ko at medyo barado pa rin ang ilong, pero fights na!

HAPPY BACK TO SCHOOL! :)

0 comments: